Friday, 21 February 2020





                                 
Bago nangyayari ang aking paglalakbay sa Davao City ay hindi ko inaasahan na sasama daw ako sa aking pinsan na sasama daw ako sa kanila. Si tita na ang nag hingi ng permisyon sa aking ina at ama dahil palagi nalang ako nasa bahay at lagi akong iniiwan, kaya isasama daw ako sa Davao CIty.

Sa paglalakbay namin kasama ang dalawang pinsan ay hindi ko inaasahan na ang layo pala ng Davao City. Pero pag dating namin doon ay pumunta kami agad ng hotel para iiwan yung ibang gamit para mamasyal kami sa mall ng Davao. pero bago nangyari ang lahat ang pinaka una kong impresyon sa Davao ay malinis ang paligid pero wala akong makikita na mga puno dahil halos mga malalaking building lang ang makikita doon. Pag punta namin ng hotel napakasosyal at malinis ang paligidi at higit sa lahat ay napakalaki ng hotel na dito lang kami sandali. Pagka tapos namin sa hotel para iiwan ang ibang gamit  ay pumunta kami agad sa Mcdo para pangtanghalian dahil gutom na gutom na kami ng aking mga pinsan. Lagi po akong nililibre ng aking pinsan sa Davao dahil kauna unahan ko itong lugar na  pasyalan na malinis ang paligid kahit saan ka pupunta.

Sa Davao City ay ang mga tao doon ay displinado at maraming mga mababait na tao doon, marami ring mga lugar doon na malalaki at malilinis. Sa aking nalalaman ay ang Davao City ay isa sa mga pinakamalaking lugar sa mindanao at Peace and order ay isa sa Davao City na top Priorities para ma assure ang mga tao ang kanilang kaligtasan. Sa aking paglalakbay sa Davao City ay isa sa mga aking pinakamagandang nangyari sa aking buhay na maka punta sa ibang lugar na hindi ko itong inaasahan.

No comments:

Post a Comment